Monday, March 23, 2009

Irog

Irog
Composed by Ace Orense

Intro:
Irog, minamahal kita
Ikaw lang aking sinta
Ikaw lang walang iba, Mahal Ko
Iniibig kita
Irog mahal kita sinta
Di mo ba nadarama?

IIkaw ang pag-ibig ko
Pag-ibig ko sa ‘yo ay totoo
Ikaw lang ang mahal ko
Ikaw lamang sinta ko
Ang iniibig ko
Pag-ibig ko sa’yo’y buung-buo
Di ako nagbibiro
Sa akin ay wag kang magtago
Hinding-hindi magbabago
Ang pag-ibig ko
Pangako sa’yo
Ipaglalaban ko
Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig
Pag-ibig di maglalamig
Sa ‘yo ako ay maligalig
Ipagkakalat ko sa buong daigdig
Na minamahal kita
Hanggang langit sinta

Chorus:
Irog, minamahal kita
Ikaw lang aking sinta
Ikaw lang walang iba, Mahal Ko
Iniibig kita
Irog mahal kita sinta
Di mo ba nadarama?

II
Irog minamahal kita
Ikaw lang aking sinta
Di mo ba nagugunita
Tayo ay masaya
Walang hanggang ligaya
Ikaw ang tangi kong biyaya
Iniibig kita
Ikaw lang walang iba
Sinisinta kita
Irog pag-ibig kita
Ako ay puspos ng pagpapala
Pagkat ika’y akin sinta
Dumudungaw ako sa bintana
Makita lang kita
Ano’ng ligaya
Alay ko sa’yo
Itong aking kanta
Dinggin mo aking harana
Pag-ibig ko sa‘yo’y di magbabago
Ikaw lang ang mahal ko
Mahal kita o irog ko


Chorus:
Irog, minamahal kita
Ikaw lang aking sinta
Ikaw lang walang iba, Mahal Ko
Iniibig kita
Irog mahal kita sinta
Di mo ba nadarama?

1 comment: