Wag Mo ‘Kong Iyakan Composed by Ace Orense
Intro:
Wag mo ‘kong iwan
Wag mo ‘kong iyakan
Wag mo ‘kong iwan
Kailan ka tatahan?
Wag mo ‘kong iwan
Ayaw kitang iwan
Wag mo ‘kong iwan
Nandito na ‘ko sa kalangitan
I
Tayo’y magkapatid sa binyagan
Pareho tayong ipinanganak sa Bayanan
Doon tayo lumaki sa Nagtahan
Araw-araw tayong nagsisimba sa Baclaran
Noon, tayo ay hari ng lansangan
Tayo’y magkasama sa bakbakan
Di tayo tumatakbo sa labanan
Di tayo natatalo sa digmaan
Naaalala mo pa ba ang ating sumpaan
Kahit ano’ng mangyari, walang iwanan
At kapag tayo naman ay nagkasala
Sabay tayong nangungumpisal sa parokya
Tayo’y masaya kung magkasama
Sabay pa tayong manligaw ng dalaga
Ngunit biglang nangyari ang di inaasahan
Ako ay nabaril sa Baclaran
Katawan ko ay nagdugo, buhay ko ay nakitilan
Ngayon katawan ko’y nasa simbahan
Doon ako sa sentro pinaglalalmayan
Kapatid ko wag mo kong ipaghiganti
Akin kitang binabalaan
Hayaan mo na ang Diyos humatol ng katarungan
Lahat kayo ay pumunta sa ‘king libingan
Upang ako’y ihatid sa aking huling hantungan
Chorus:
Wag mo ‘kong iwan
Wag mo ‘kong iyakan
Wag mo ‘kong iwan
Kailan ka tatahan?
Wag mo ‘kong iwan
Ayaw kitang iwan
Wag mo ‘kong iwan
Nandito na ‘ko sa kalangitan
Bridge:
Kuya ko bakit ako’y iniwan mo
Ang buhay ko’y gulung-gulo
Ako ay litung-lito
Sira na ang mundo ko
Bakit ba nagkaganito
Ang buhay ko’y alay sa iyo
II
Wag kang umiyak
Ako ay nagagalak
Ako ay nasa langit na
Wala na ‘kong pangamba
Noong ako’y nabubuhay pa
Buhay ko’y walang saya
Ako noo’y walang sigla
Lagi na lang tulala
Minsan ay nagtataka
Bakit ako’y walang-wala
Dapat ikaw ay masaya
Ako’y nasa langit na
Wag ka nang umiyak
O ako ay masasadlak
Puso ko’y nabibiyak
Pag ika’y umiyak
Mahal tayo ng Diyos
Si Kristong tagapagtubos
Kung ikaw ay mabait
Dito ka sa langit
Ang masasama sa impiyerno, ang mga pangit
Pakinggan mo akin kang binabanggit
Hinahabilin kita sa Diyos Ama ng langit
Wag ka nang umiyak
Sa langit ako’y nagagalak
Chorus:
Wag mo ‘kong iwan
Wag mo ‘kong iyakan
Wag mo ‘kong iwan
Kailan ka tatahan?
Wag mo ‘kong iwan
Ayaw kitang iwan
Wag mo ‘kong iwan
Nandito na ‘ko sa kalangitan
Viva Pilipinas
Composed by Ace Orense
Intro:
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
I
Viva Pilipinas
Sigaw ng ating bayan
Viva Pilipinas
Kaya natin yan
Tatlong daang taon
Ipinaglaban ang kalayaan
Mga Pilipino, di paaapi kahit kanino man
Ipaglalaban ang bayan kahit hanggang sa kamatayan
Dito tayo lumaki sa Perlas ng Silangan
Pilipinas ang ating tahanan
Ating mgga bayani, dugo at pawis ang ibinuwis
Para maibsan ang hapis
Mga bayaning tagapagtanggol
Pag-asa ng mga sanggol
Jose Rizal
Sagot sa ating mga dasal
Lapu-lapu
Mga kaaway ay naglaho
Kanyang itinaboy
Andres Bonifacio
Emilio Aguinaldo
Emilio Jacinto
Apolinario Mabini
Mga bayani ng ating lahi
Ibinuwis ang kanilang buhay
Para sa’ting bayan buhay ay inalay
Chorus:
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
II
Pilipinas
Perlas ng Silanganan
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pitong libong isla sa dagat
Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig di ka pasisiil
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko nasadlak sa dusa
Mga bayani mo ipinagtanggol ka
Ipinaglaban ka
Ibinuwis ang dugo at buhay
Buhay ay inalay
Pilipinas aking bayan
Iibigin kita magpakailanman
Buhay at puso ko
Ay para lang sa ‘yo
Chorus:
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Viva Pilipinas Viva Pilipinas
Mahal Kong Pilipinas
Ace Orense
I
Pilipinas Perlas ng Silangan
Bayan ng karangalan
Nasyon ng mga bayani
Magigiting na lahi
Sa manlulupig di pasisiiil
Kalayaan kailanman ay di mapipigil
Pitong libong mga isla
Puspos ng pagpapala
Abot kamay ang mga tala
Mahal kong Pilipinas
Ikaw ang aking ina
Mahal kong Pilipinas
Ikaw lang wala nang iba
Chorus:
Mahal Kong Pilipinas
II
Ina kong bayan
Ikaw ang aking duyan
Katapatan ko ay para lang sa yo
Pag-ibig ko alay ko sa yo
Sa mananakop di ako patatalo
Ipaglalaban ko ang aking bayan
Lupaing aking pinagmulan
Perlas ng Silangan
Pilipinas lupain ng kayamanan
Dapat lang parangalan
Ang ating inang bayan
Ipagtatanggol kita sa karimlan
Kailanma’y di magwawagi ang kadiliman
Iniibig ko ang aking bayan
Puso at isip ko ay alay ko sa yo
Pagmamahal ko handog ko sa iyo
Pilipinas, minamahal kita
Pilipinas, iniibig kita
Chorus:
Mahal Kong Pilipinas
Jologs, Konyo
Composed by Ace Orense
Intro:
Jologs, Konyo
Pare-pareho lang
Repeat
I
Ang mga Jologs
Baduy daw kung manamit
Walang perang makamit
Di makabili ng mamahaling damit
Di makakain sa mga restawran
Dun na lang kumain sa ihawan
Ang celphone ay cheap
Ang ride ay jeep
Pero kahit ganito ang buhay nila
Silang mga jologs ay ubod ng saya
Simple lang ang buhay
Ngunit ito’y makulay
Madaling mapangiti
Manood ng sine
Silang mga jologs
Sila’y mga kalog
Buhay ay masaya
Sa simpleng ligaya
Chorus:
Jologs, Konyo
Pare-pareho lang
Repeat
IIAng mga Konyo
Mamahalin ang auto
High end ang celphone
Magaganda ang damit
Makakapal ang wallet
Lahat nakakamit
Brand new ang mga gamit
Shopping galore
Do you want more?
Bahay ay malalaki
Tambayan ang Makati
English ang usapan
Tambay sa gym
Magaganda ang katawan
Silang mga konyo
Pera di nauubusan
Chorus:
Jologs, Konyo
Pare-pareho lang tayo
Repeat
III
Konyo o jologs
Pareho lang iyan
Pare-parehong mga tao
Magkaiba man ang kalagayan
Pare-parehong kumakain
Pare-prehong humihinga
Pare-parehong namumuhay
Mga mundo nila’y makukulay
Oh my gulay
Konyo or jologs
They’re all the same
Wag nang mag-aaway it’s so insane
Konyo or jologs pantay-pantay lang
Jologs, Konyo pare-pareho lang, baby, babeh
Chorus:
Jologs, Konyo
Pare-pareho lang
Repeat until fade
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment